Photos from DWIZ 882's post

Written on 08/20/2026
DWIZ 882

MARKER NI NINOY, INILIPAT NG LOKASYON SA NAIA

Dumalaw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang mga miyembro ng pamilya ng yumaong senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. upang tingnan ang marker na nagbibigay-pugay sa kaniya sa bago nitong lokasyon sa NAIA.

Inilipat ang marker a mismong harapan ng terminal facade ng NAIA mula sa dating departure curbside area.

Isinagawa ang pagbisita isang araw bago ang Ninoy Aquino Day sa Agosto 21, kung saan pangungunahan ng National Historical Commission of the Philippines ang opisyal na paggunita sa NAIA.

📸 : NAIA/Facebook

Watch: www.youtube.com/@DWIZ882Live

#DWIZ #DWIZNews #DWIZ882AM









(Feed generated with FetchRSS)