Tiniyak ng Department of Health na nananatiling bukas at may sapat na gamot ang mga ospital at pasilidad ng DOH sa gitna ng tumataas na panganib ng leptospirosis dahil sa baha.
Ayon sa DOH, may nakahandang 3.1-million doxycycline capsules ang kagawaran habang maaari ring mag-prescribe ng gamot ang mga yakap provider at makuha ito sa halos 3,000 PhilHealth-accredited providers sa buong bansa.
Sa datos nitong August 8, umabot na sa 3,440 ang naitalang kaso ng leptospirosis, 35% na mas mababa kaysa 5,318 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na iwasang lumusong sa baha, lalo na kung may sugat, at agad magpatingin sa doktor kung makaranas ng lagnat, sakit ng ulo, panginginig, sakit sa likod o binti, o pamumula ng mga mata.—sa panulat ni Jordan Gutierrez
#DWIZ #DWIZNews #DWIZ882AM
(Feed generated with FetchRSS)